Alam ko darating din yung panahon na maiinlove uli ako. Pero sana, kapag dumating siya, mahalin niya ako dahil ako si Iny. Yung Iny na normal lang, walang kasamang kahit anong tag o label. Madami kasi iba diyan na magsasabing mahal ka sa ganitong rason, ayaw ko nun. Nangbobola lang naman minsan e. Meron din diyan na magsasabing mahal ka, kasi yun lang nararamdaman nila. Hindi na ako naniniwala doon. Madalas kasi nanggamit lang naman, o nagpapagoodshot lang sila.
Gusto ko mamahalin ako ng tao kasi nakilala niya talaga ako. Hindi yung mahal ako kasi nakita lang ako. Usually kasi kapag nakita ka lang ng tao, ang mamahalin nila good parts mo lang. Ayaw ko nun. Sana mahalin niya ako kasi imperfect ako. Pero tanggap niya lahat ng mga mali saakin.
Mahirap na makakita ng taong magmamamahal sayo ng totoo lalo na ngayon parang ang babaw na ng depinisyon ng love para sa ibang tao. Sana maintindihan niya ang depinisyon ng pagmamahal, hindi yung ipapaintindi ko pa sakanya. Hindi naman kasi yun ineexplain e, nararamdaman na lang. Pero sana alam niya na ang pagmamahal hindi siya instant. Ang iba kasi, ma-attract lang sa tao, in love na agad. Ayaw ko nun.
Hindi na ako naniniwala sa mga taong nakilala ko pa lang tapos mahal na ako agad. I don’t believe in love at first sight. Kalokohan lang yun. Minamahal mo kasi yung ugali ng tao, hindi mukha niya. At sabihin na natin nakilala mo na siya ng ilang linggo, hindi pa rin naman ata yan pagmamahal. Kasi ang pagmamahal binibuild up mo yan. Kulang ang ilang linggo para sa pagmamahal na yan.
Sana dumating yung araw na makilala ko na lang siya, sa panahong handa ako. May mga lalake kasing darating bigla tapos magpaparamdam sayo at magsasabing “Hihintayin kita paghanda ka na” tapos bigla na lang sila naglalaho. Hindi na ako naniniwala sa mga ganun. Wala naman kasi nakakapaghintay na e. Ang tao hindi nakakapaghintay, pero ang pagmamahal oo.
Sa panahon ngayon, parang ang hirap na mainlove no? Saakin lang siguro. Nahihirapan na ako mainlove sa tao kasi pakiramdam ko manloloko lang lahat. Hindi naman ako man hater. Siguro noon oo, pero ngayon hindi na talaga. Pero totoo, pakiramdam ko lahat ng lalake lolokohin ako pagdating sa pagibig. Siguro yun na yung instincts ko na nagsasabi saakin na hindi pa tama na mainlove ka ngayon. Wala pa naman kasi yung tamang lalake para saakin. Pagdumating siya, in God’s time, alam kong sulit naman lahat ng iniisip ko ngayon.
Kaya sana, habang wala pa siya, hindi muna ako masaktan ng ibang tao. Hindi na muna sana ako lolokohin ng iba, o bobola bolahin lang. Mahirap na kasi. Alam ko namang hindi sila para saakin e. Kaya wala ng sense pagpaparamdam.
Siguro iisipin niyo ang yabang, ang drama, o kaya ang sama ko. Pero okay lang. Shinare ko lang yung nararamdam ko pagdating sa love and sa mga lalake ngayon. Para na din to kay future. Para alam niya na kapag pinili ko na siya, masyado ako naging choosy noon.