Huwag mo ng hanapin ang pag-ibig, kasi kusang darating yan.
Isa na ‘to sa mga linyang nakakasawa ring pakinggan. Ang korny kasi. Pero totoo. Siguro baduy lang kasi tinagalog ko, pero seryoso nakakasawa siya kasi paulit ulit ko yang naririnig sa pelikula o kaya nababasa sa mga libro. Pero paano naman kung tinamad ang pag-ibig mo? Paano naman kung naligaw? Paano kung hindi dumating?
Para saakin dumarating nga ang pag-ibig sa tao, pero hindi dapat ito hinahayaan lang. Isipin mo na lang, kung magpapakakampante ka diyan sa tabi. Dumating na pala, hindi mo man lang naramdaman. Andiyan na pala sa harap mo, pero pinalampas mo lang. Nakakasira din ng ulo noh? Pinaghihintay ka, pero minsan darating di mo man lang alam na tapos na pala ang paghihintay mo. Bakit kasi ang hirap ng panahon ngayon? Simpleng pag-ibig lang pero boom na boom, tinalo pa ang ibang exam sa school.
Darating ang pag-ibig, hindi mo na kailangang hanapin pa. Baka kasi mas malayo ka lang sa katotohonan, mas lalo ka pang masaktan. Darating ang pag-ibig, pero kailangan handa ka. Kailangan willing kang gumawa ng mga bagay na hindi mo karaniwang ginagawa. Darating ang pag-ibig, kaya hindi mo kailangan magmadali. Ang iba kasi diyan, hindi pa naman para sakanila pero laging pinipilit.
Mahirap intindihin ang pag-ibig, pero ganun yun e. Minsan ang pinakamagagandang bagay sa mundo yung mga tipong hindi mo maexplain, pero alam mo na ang ganda sa pakiramdam kapag meron ka nun. Pag-ibig, Tiwala, Pag-asa. Lahat naman tayo puwedeng magmahal e at kahit sino, pwede nating mahalin. Pero sa lahat ng tao sa mundo, alam natin na may isa lang na mangingibabaw. At kung sino man yun, alam kong maswerte siya, kasi hinintay mo siya ng buong puso.
O diba bongga. :)
Ganyan kasi kapag lagi nanonood ng mga drama/romance films. Nasosobrahan lang. Jeje.

home
message
Facebook
archive




